-- ADVERTISEMENT --

Sugatan ang isang pulis matapos saksakin sa dibdib ng isang suspek sa loob ng KCSC compound, Poblacion, Kidapawan City.

Kinilala ang biktima na si PCpl Mark Pun-an Cadungon, 38-anyos, nakatalaga sa Makilala Municipal Police Station.
Ang suspek ay nakilalang si Alyas Jong-Jong, na sinasabing bigla na lamang umatake sa biktima gamit ang patalim.

Kasama umano ng suspek ang dalawang miyembro ng CAFGU na kinilalang sina Harold Amador Santiago, 26-anyos, at si Eleomar Daquipel Cane, 24-anyos—parehong nakatalaga sa 40th Infantry Battalion at residente ng Kidapawan City.

Masuwerteng hindi tinamaan ang puso ng biktima at nasa ligtas na kalagayan na ito ngayon.

Arestado ng pulisya ang dalawang CAFGU, habang patuloy namang pinaghahanap si Alyas Jong-Jong na tumakas matapos ang insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang alamin ang motibo sa krimen.