-- ADVERTISEMENT --

Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng hindi bababa sa P27 milyong halaga ng humanitarian assistance sa mga pamilyang apektado at kabilang sa mga nasalanta ng Bagyong Basyang.

Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao, ang mga tulong na naipaabot na sa mga apektadong residente ay binubuo ng mga family food packs, ready-to-eat food boxes, at iba pang non-food items na ipinamahagi sa mga evacuation centers.

Nauna na ring kinumpirma ni Dumlao na bumisita at nagsagawa ng needs assessment si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Iligan City, kung saan humiling ang lokal na pamahalaan ng karagdagang 2,300 family food packs para sa kanilang relief operations.

Bukod dito, nakapaghatid na rin ng tulong ang ahensya sa mga probinsya ng Misamis Occidental, Misamis Oriental, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at pati na rin sa Dinagat Islands.