-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ng Malacañang na magpapatuloy ang Pilipinas sa pakikipag-ugnayan sa Myanmar matapos mahalal si Min Aung Hlaing bilang presidente ng bansa sa pamamagitan ng botong parlamentaryo.

Ayon kay Press Officer Claire Castro, susubaybayan ng Pilipinas ang sitwasyon sa Myanmar at makikipag-ugnayan sa mga awtoridad at stakeholder sa pamamagitan ni Foreign Secretary Ma. Theresa Lazaro, na itinanghal bilang Special Envoy ng ASEAN Chair sa Myanmar.

Nagsulong ang ASEAN ng Five-Point Consensus, na naglalayong tapusin ang karahasan, magsagawa ng inklusibong diyalogo, at maghatid ng humanitarian aid.

Inatasan ni Pangulong Marcos si Lazaro upang magsuporta sa mga hakbang ng ASEAN at tiyakin ang epektibong pagpapatupad nito.

Naging presidente ng Myanmar si Min Aung Hlaing matapos ang kudeta noong 2021, na nagpatalsik kay Aung San Suu Kyi at nagdulot ng matinding kaguluhan sa bansa.