Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkasawi ng isang kindergarten pupil matapos tamaan ng ligaw na bala sa ulo habang nasa loob ng Damabalas Elementary School, Datu Piang, Maguindanao del Sur, ngayong Miyerkules, February 11.
Ayon sa ulat, agad na isinugod ang bata sa pinakamalapit na ospital matapos tamaan ng ligaw na bala mula sa di matuly na direksyon, ngunit idineklarang dead on arrival.
Ang biktima ay naka-schedule sanang magkaroon ng pictorial bukas para sa kanilang graduation ceremony, subalit nauwi sa trahedya ang plano.
Patuloy na hinahanap ng kapulisan ang pinagmulan ng ligaw na bala at ang mga posibleng responsable sa insidente.
Sa ngayon, hinimok ng lokal na pamahalaan at kapulisan ang publiko na makipagtulungan sa imbestigasyon upang mapanagot ang may sala at maiwasan ang katulad na trahedya sa hinaharap.













