Itinakda ng Senate impeachment court sa Setyembre 23, 2026 ang oral arguments ng prosecution at defense sa usapin ng 16-vote threshold para mahatulan si Vice President Sara Duterte.
Kasunod ito ng hiling ni Senator-Judge Erwin Tulfo na linawin ang kinakailangang boto, lalo’t apat na senator-judge ang kasalukuyang hindi dumadalo sa paglilitis.
Kabilang sa mga absent sina Jinggoy Estrada, Rodante Marcoleta, Ronald “Bato” dela Rosa at Loren Legarda, na may magkakaibang dahilan sa kanilang hindi pagdalo.
Ayon kay Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero, muling tatalakayin ng impeachment court ang voting threshold matapos konsultahin ang mga senator-judge at mga abogado ng magkabilang panig.
Bago ang oral arguments, maririnig sa Setyembre 16 ang posisyon ng mga amici curiae. Bibigyan naman ng tig-15 minuto ang prosecution at defense para ilahad ang kanilang mga argumento.
Ang boto ng mga senator-judge sa Setyembre 23 ang magiging batayan sa usapin ng threshold. Sa simula ng trial noong Hulyo 6, itinakda ni Escudero sa 16 na boto ang kailangan para sa conviction, batay sa two-thirds requirement ng 1987 Constitution.













