KORONADAL CITY – Nakatanggap ng tulong ngayong araw ng Martes, Hulyo 22,2025 ang 425 minimum wage earners mula sa Yellow Bus Line sa Koronadal City sa ilalim ng programang “Benteng Bigas, Meron Na!”
Ipinamahagi sa kanila ang 84 na sako ng well-milled rice mula sa NFA bilang bahagi ng ikalawang bugso ng rice subsidy program para sa mga manggagawa sa Mindanao.
Ang inisyatiba ay bahagi ng programang P20 Rice para sa Minimum Wage Earners, na layong maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng bilihin sa araw-araw na pamumuhay ng mga manggagawa.
Nanguna sa pamamahagi ang DOLE Region 12, katuwang ang Department of Agriculture at NFA Region 12.
Patuloy ang rollout ng programa sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon upang mas maraming manggagawa ang makinabang sa abot-kayang bigas na may kalidad.