-- ADVERTISEMENT --
Mahigit ₱5.072 bilyon ang kinakailangang pondo ng Department of Education (DepEd) para maayos ang mga paaralang napinsala ng habagat at mga bagyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Batay sa datos ng DepEd, 476 na paaralan ang nagtamo ng pinsala at nangangailangan ng major repairs, na tinatayang aabot sa ₱1.013 bilyon ang halaga.
Samantala, ₱277.34 milyon ang inilaan para sa minor repairs ng 1,444 na paaralan, habang ₱46.983 milyon naman ang kailangan para sa clearing at cleanup operations.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service sa mga field offices upang matukoy ang lawak ng pinsala at mapabilis ang pagkukumpuni sa mga apektadong paaralan.













