Inatasan ng Sandiganbayan Fifth Division ang PNP General Hospital na palayain si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan matapos tuluyang maibasura ang mga kasong kinakaharap niya kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Nauna nang inalis ng Office of the Ombudsman si Bonoan bilang co-accused ni Senator Jinggoy Estrada at iba pang opisyal, at isinailalim sa plano na maging state witness sa imbestigasyon.
Mula Hunyo ay nasa kustodiya ng PNP General Hospital si Bonoan matapos maaresto sa bisa ng warrant. Humiling siya ng hospital arrest dahil sa kanyang mga karamdaman, kabilang ang chronic kidney disease at prostate cancer.
Ayon kay PNP PIO chief PCol. Allen Rae Co, posible siyang tuluyang makalaya sa umaga ng Biyernes, Setyembre 4, matapos beripikahin ng pulisya ang mga kinakailangang dokumento.













