-- ADVERTISEMENT --
Nasawi ang labintatlong katao nga karamihan ay mga bata matapos tumaob ang isang bangka sa estado ng Bihar sa silangang India nitong Martes.
Ayon kay district magistrate Varsha Singh, patungo sa isang handaan sa kalapit na nayon ang mga pasahero nang mangyari ang insidente sa distrito ng Vaishali.
Anim na katao naman ang nailigtas mula sa insidente, ayon sa pulisya. Hindi pa malinaw kung ilan ang kabuuang sakay ng bangka nang ito ay tumaob.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente, ayon kay regional police officer Subodh Kumar.
Nagsasagawa rin ng pagkalap ng impormasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari at malaman kung may iba pang sangkot o naapektuhan ng insidente.













