-- ADVERTISEMENT --

Sinuspinde ng Department of Agriculture (DA) ang pag-export ng purple yam o ube upang matugunan ang kakulangan sa planting materials at mapalakas ang lokal na produksyon.

Unang ipinatupad ng Bureau of Plant Industry (BPI) ang suspensyon noong Agosto. Saklaw nito ang ube at lahat ng uri ng planting materials na ginagamit sa pagpaparami ng pananim.

Ipinagbawal din ang pagpapadala ng ube sa ibang bansa kahit ito ay para sa direktang konsumo, pagtatanim, o pananaliksik.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr., layunin ng hakbang na matiyak na mananatili sa bansa ang sapat na planting materials habang pinapalawak ang produksyon ng ube sa iba’t ibang rehiyon.

Inaasahan ng DA na kapag sapat na ang lokal na suplay, mas mapapalakas ang industriya at magiging mas malaking contributor sa export earnings ng bansa ang ube.