Matapos ang mabilis na pag-imprenta, natapos na ng Commission on Elections (Comelec) ang paggawa ng mga opisyal na balota para sa special election na gaganapin sa Marso 14, 2026, sa ikalawang distrito ng Antipolo City.
Ang kabuuang bilang ng mga balota ay umabot sa 252,793 at isinagawa ang imprenta sa National Printing Office sa Quezon City.
Ayon sa Comelec, sinimulan ang test printing ng alas-8 ng umaga at agad itong sinundan ng opisyal na pag-imprenta ng mga balota at iba pang election forms bandang alas-9 ng umaga.
Inaasahan ng poll body na matapos ang buong proseso ng pag-imprenta sa loob lamang ng isang araw upang matiyak ang mabilis na distribusyon ng mga election materials.
Ang special election ay itinakda upang punan ang bakanteng pwesto sa ikalawang distrito ng Antipolo matapos ang pagpanaw ni Rep. Romeo Acop.
Ayon sa estimate ng Comelec, lalampas sa P6 milyon ang gastos sa pag-imprenta ng mga balota para sa halalan, at ang campaign period ay magtatagal hanggang Marso 12.













