-- ADVERTISEMENT --

Sinimulan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang imbestigasyon kaugnay ng mga ulat tungkol sa hinihinalang malawakang data leak sa kanilang sistema.

Ayon sa BIR, nakikipag-ugnayan na ito sa Department of Information and Communications Technology (DICT), National Computer Emergency Response Team (NCERT), Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), at PNP Anti-Cybercrime Group upang masusing siyasatin ang insidente.

Sinabi ng ahensya na maglalabas ito ng karagdagang impormasyon matapos mapatunayan ang mga detalye kaugnay ng sensitibong isyu.

Bahagi rin ng imbestigasyon ang pagtitiyak na walang nakompromisong sistema at napoprotektahan ang personal na impormasyon ng mga taxpayer.

Binigyang-diin ng BIR na nananatili itong nakatuon sa pangangalaga sa privacy, confidentiality at seguridad ng mga rekord at tax profile ng lahat ng taxpayer.