-- ADVERTISEMENT --

Hindi sapat ang pag-iipon lamang ng tubig-ulan sa mga balde upang mapaghandaan ang posibleng epekto ng Super El Niño, ayon kay Vice President Sara Duterte, na nanawagan ng mas malawak na paghahanda sa inaasahang matinding tagtuyot.

Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Araw ng Baungon nitong Miyerkules, binigyang-diin ni Duterte ang posibleng epekto ng matinding kakulangan sa ulan sa sektor ng agrikultura, suplay ng pagkain at kuryente sa bansa.

Iminungkahi rin niya na paghandaan ng mga magsasaka ang paggamit ng mga pananim na kayang mabuhay sa tuyong kondisyon at bumuo ng mga contingency plan sakaling maapektuhan ang suplay ng tubig sa mga irigasyon.

Samantala, ipinagtanggol ng Malacañang ang naunang mungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-ipon ng tubig-ulan sa mga balde bilang bahagi ng paghahanda sa Super El Niño.

Nagbigay rin ng reaksiyon si Palace Press Officer Claire Castro sa mga kritiko ng pangulo, at sinabing kailangan nila ng “baldeng utak” upang maunawaan ang mga plano ng administrasyon.