-- ADVERTISEMENT --

Posibleng mapatawan ng sanction si Filipina tennis star Alex Eala matapos nitong piliing katawanin ang Pilipinas sa 2026 Asian Games sa halip na lumahok sa WTA 1000 China Open.

Mandatory event sa ilalim ng WTA rules ang China Open para sa mga kwalipikadong manlalaro, kabilang si Eala na kasalukuyang world No. 18, maliban kung mabigyan siya ng exemption.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan ang Philippine Tennis Association (PHILTA) sa WTA upang makahingi ng waiver para kay Eala, na nakatakdang sumabak sa Asian Games sa Japan.

Magtatapat ang schedule ng dalawang torneo—gaganapin ang Asian Games mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4, habang nakatakda naman ang China Open mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 11.

Kung hindi makalalahok si Eala nang walang exemption, maaari siyang mawalan ng ranking points at pagmultahin ng hanggang US$75,000 dahil kabilang siya sa world ranking Nos. 11 hanggang 20.