-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang aabot sa 3.7 milyon na mga mag-aaral ang magtatapos ng basic education ngayong school year, ayon sa Department of Education.

Ito na ang itinuturing na pinakamalaking batch ng mga magtatapos sa ilalim ng K-to-12 system. Batay sa datos, humigit-kumulang 1.9 milyon ay mga Grade 6 pupils, habang nasa 1.8 milyon naman ang mga Grade 12 students mula sa pampubliko at pribadong paaralan.

Sa kabuuang bilang, tinatayang 1.8 milyon sa Grade 6 at 1.1 milyon sa Grade 12 ay nagmula sa mga pampublikong paaralan.

Samantala, inaprubahan ng Economy and Development Council na pinamumunuan ni Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng DepEd na ipatupad ang three-term school calendar simula school year 2026–2027.

Gayunman, tinutulan ito ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), na nagsabing hindi umano ito sapat na solusyon sa patuloy na mga suliranin sa sektor ng edukasyon.