-- ADVERTISEMENT --
Pormal nang nanumpa sa tungkulin ang mga unang halal na miyembro ng regular na Bangsamoro Parliament sa harap ni Supreme Court Associate Justice Japar B. Dimaampao.
Kasunod ito ng kauna-unahang regular na Bangsamoro Parliamentary Elections na ginanap noong Setyembre 14, 2026, kung saan pinili ng mga botante ang mga magiging kinatawan ng unang regular na Parliament.
Sa kanilang panunumpa, nangako ang mga bagong mambabatas na isusulong ang tapat na pamamahala, palalakasin ang mga institusyon at pagtutuunan ng pansin ang kaunlaran ng Bangsamoro.
Ang kanilang pormal na panunumpa ay nagbubukas sa panibagong yugto ng regular na parliamentary governance sa Bangsamoro.













