-- ADVERTISEMENT --

Mas lumawak pa ang airstrike ng Iran sa iba’t ibang bahagi ng Gitnang Silangan.

Ayon kay ministry spokesman Reza Talaei-Nik, handa silang labanan ang United States at Israel sa pangmatagalan. Nilinaw niya na hindi muna nila ginagamit ang kanilang mga advanced weapons sa pag-atake.

Dahil dito, nananatiling sarado ang airspace ng Qatar kung saan mahigit 8,000 katao ang na-stranded.Kinondena naman ng United Nations ang patuloy na giyera sa Iran, kung saan maraming bata ang naiulat na nadamay.

Nilinaw naman ni Donald Trump na hindi sila hinikayat ng Israel na atakihin ang Iran.Ayon kay Trump, alam niya na hindi interesado ang Iran sa negosasyon, kaya nagpasya rin itong atakihin ang Iran.

Huli na rin ang hiling ng Iran na magkaroon muli ng pag-uusap dahil sa lumalala na giyera.