KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isang motorista matapos na mahuli kaninang alas-10 ng umaga, ng mga motorcops ng Koronadal City Police Station matapos makunan ng baril sa isinagawang Oplan Sita sa Balmores Street, Brgy. Morales.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Alyas Rovie, 39 anyos, residente ng Purok Malipayon, Brgy. Katipunan, Sto. Niño, South Cotabato.
Napag-alaman na, habang mino-monitor ang mga motorista, napansin ng mga pulis ang suspect na nagmamaneho ng itim na Bajaj motorcycle na walang plaka at may baril sa kanyang baywang.
Nang utusan siyang huminto, nagtangkang lumaban at hilahin ang baril, ngunit agad siyang nahuli ng nakaantabay na pulis.
Narekober mula sa suspect ang:
- Isang .45 caliber Colt pistol, serial number 385425, may magazine at 6 na bala
- Isa pang .45 caliber Colt pistol, serial number 910438, may magazine at 6 na bala
- Black Real Me cellphone, holster, at COMELEC ID
Ipinaliwanag ng pulisya ang karapatan ng suspect habang isinasagawa ang pag-imbentaryo ng ebidensya.
Sa ngayon, inihahanda na ang kaong isasampa laban sa suspek habang ang mga baril ay ipinadala sa South Cotabato Provincial Forensic Unit para sa ballistic examination.













