-- ADVERTISEMENT --
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pananambang sa Barangay Salunayan, Midsayap, Cotabato, na ikinamatay ng dalawang katao at ikinasugat ng tatlo, kabilang ang isang konsehal at ang kanyang asawa, nitong Martes ng umaga, Oktubre 7, 2025.
Mga biktima:
Nasawi:
- Udin Dalgan, 31, residente ng Sultan Kudarat
- Rahib Wahab, 35, tricycle driver
- Sugatan:
- Konsehal Saida Endaila, Barangay Kadayangan, Midsayap
- Madron Endaila Jr., 48, asawa ng konsehal
- Lani Yusop, 20, kasamahan
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, sakay ang mga biktima ng isang Toyota Fortuner, habang ang mga suspek ay nasa isang puting mini van. Habang patungo sana ang mga biktima sa kanilang kaanak, binaril sila ng mga hindi pa kilalang suspek, at nadamay din ang isang tricycle na dumaraan sa lugar.
Sa ngayon, patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa pananambang at ang pagkakakilanlan ng mga suspek upang maaresto ang mga ito.