-- ADVERTISEMENT --

Kinuwestiyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang pagkakaiba sa datos ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) tungkol sa covered at suspicious bank transactions na inuugnay sa kanya at sa asawang si Manases Carpio.

Sa ika-33 araw ng impeachment trial, sinabi ng AMLC na ₱4.4 bilyon ang kabuuang transactions, mas mababa sa ₱6.7 bilyon na iniulat nito sa House Committee on Justice noong Abril 22.

Ayon kay VP Sara spokesperson Paolo Panelo, posibleng nagkaroon ng system error sa isang BPI transaction kung saan ang ₱2 milyon ay nai-report umano bilang mahigit ₱2 bilyon, na nakaapekto sa dating kabuuang halaga.

Giit ni Panelo, kailangang beripikahin at bigyan ng sapat na konteksto ang raw data bago ito gamitin bilang ebidensiya sa impeachment trial.

Sa datos na iniharap sa Senado, ₱1.63 bilyon ang inflows, ₱1.3 bilyon ang outflows, habang ₱1.4 bilyon naman ang hindi pa matukoy kung inflows o outflows.