-- ADVERTISEMENT --

Kabilang sa nasawi ang asawa ni dating Nepalese Prime Minister Jhala Nath Khanal na si Rajyalaxmi Chitrakar matapos silaban ng mga nagpoprotestang kabataang Gen Z ang kanilang tahanan.

Nang sumiklab ang kaguluhan, agad umanong nagsitakas ang ilang cabinet ministers sakay ng helicopter.

Matatandaang nagsimula ang kaguluhan matapos ipagbawal ng pamahalaan ng Nepal ang 26 na social media apps, matapos mabigong mairehistro ang mga account ng kabataan sa Ministry of Communication and Information Technology ng Nepal.

Lalong tumindi ang kilos-protesta nang mabunyag ang mga isyu ng korapsyon, kawalan ng trabaho, at iba pa.