-- ADVERTISEMENT --
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa natagpuang patay na fetus sa gilid ng sapa sa Barangay Balindog, Kidapawan City kahapon, Agosto 19, 2025.
Batay sa ulat, tinatayang nasa pitong buwan ang naturang fetus nang matagpuan itong nakasabit sa mga batuhan.
Nilinaw ng mga residente na hindi ito limang buwang sanggol gaya ng unang napaulat.
Ipinaliwanag din na ang fetus ay bata pa sa sinapupunan ng ina na napaaga ang pagkalabas, maaaring dulot ng aborsyon o maselang pagbubuntis.
Malaking kaibahan nito sa isang sanggol na naipanganak na at may kakayahang mabuhay sa labas ng tiyan.
Patuloy ang pagtutulungan ng mga barangay opisyal at ng mga awtoridad upang matukoy kung saan nagmula ang naturang fetus.