-- ADVERTISEMENT --

Isang mataas na opisyal ng seguridad sa Iran ang naghayag na wala silang pinaputok na missile laban sa Israel matapos magsimula ang ceasefire na isinulong ng Estados Unidos.

Sinabi ng opisyal na mula alas-7:30 ng umaga (oras sa Iran) o alas-12:00 ng hatinggabi ET, “no missiles have been fired at the enemy so far.”

Ang pahayag ay kasunod ng anunsyo ni dating US President Donald Trump ukol sa ceasefire sa pagitan ng Iran at Israel. Ayon kay Trump, ang tigil-putukan ay magsisimula anim na oras matapos ang kanyang unang social media post, na naglagay ng bisa ng kasunduan sa bandang alas-12:00 ng hatinggabi ET.

Gayunpaman, nagbabala pa rin ang Iranian official na kung gagalaw ang Israel o gagawa ng pagkakamali, “If Israel makes a mistake, all occupied territories will be attacked, just like an hour before the war stopped,”

Sa kabila ng pahayag ng katahimikan, nananatiling mataas ang tensyon sa rehiyon, lalo na’t maraming mga ulat ng sporadic explosions at hindi pa kumpirmadong mga insidente sa ilang lugar sa loob ng Israel at Iran.