Arestado ng mga operatiba ng Station 7, GSCPO (General Santos City Police Office) ang Top 10 Most Wanted Person na may kasong paglabag Section 12 ng Article 2 ng Republic Act 9165 sa , Barangay Fatima, General Santos City nito lamang Pebrero 8 2025.
Kinilala ni Police Major Ari Noel H. Cardos, Station Commander ng Police Station 7- GSCPO ang suspek na si alyas “Oshen” 26, at residente ng Zone 6, Block 1, Brgy. Fatima, General Santos City.
Ayon kay PMaj Ari Noel H. Cardos, Station Commander ng Police Station 7, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga operatiba sa pangunguna ng Police Station 7, GSCPO, RMFB 12 Intelligence Section, Gensan MARPSTA (Marine Battalion) at ang General Santos City Highway Patrol Team.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002