-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang dalawang mga itinuturing na suspek sa pagpaslang sa empleyado ng City Engineering Office sang Tacurong sa inilunsad na hot pursuit operation ng pulisya sa National Villa Garde KTV Bar, Purok Sampaguita, Barangay Buenaflor, Tacurong City.

Kasama ng Tacurong PNP ang ibat-ibang operatiba na kinabibilangan ng SKPIU, 1202nd rmfbn Delta Tracker Team RID 12 at 1st SKPMFC sa isinagawang operasyon.

Ayon sa ulat ng pulisya, isang informant ang nagreport sa himpilan kaugnay sa pagtatago umano ng mga suspek KTV Bar kaya’t nagsagawa ang mga ito ng operasyon.

Matatandaan na binaril-patay ang biktima na si Sonyflor Surdilla Erosedo, 44 anyos, may asawa, at residente ng Purok San Roque, Barangay EJC Montilla, Tacurong city.

Napag-alaman na papasok pa lamang ang operating team sa bar ay pinaputukan na ang mga ito ng mga suspek kaya’t napilitan silang gumanti.

Tinamaan ang mga suspek na agad isinugod sa hospital ngunit binawian din ng buhay.

Narekober ng SOCO at investigator sa possession ng mga nasawing suspek ang umanoy sachet ng pinaniniwalaang illegal na droga at baril.

Kinilala ang isa sa mga nasawing suspek na si Amer K. Daligdigan nasa tamang edad at residente ng Purok Awot, Barangay Poblacion, Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Habang sa ngayon ay hawak na ng mga pulis ang kopya ng CCTV na siyang makapag-turo sa mga suspek na bumaril sa biktima.

Inaalam pa ng mga otoridad kung may kaugnayan sa isang organisadong grupo ang mga suspek.