-- ADVERTISEMENT --

Tinanggihan ng Sandiganbayan nitong Huwebes, Pebrero 5, ang hiling ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na mailipat mula sa Quezon City Jail patungo sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Ayon sa desisyon ng Third Division ng anti-graft court, ibinasura rin ang mosyon ni Revilla na i-quash ang impormasyon at ibalik ang kaso sa Office of the Ombudsman para sa muling imbestigasyon.

Dahil dito, mananatiling nakakulong si Revilla sa New Quezon City Jail Male Dormitory, kung saan naroroon din ang kanyang mga co-accused.

Ayon sa korte, nabigo ang dating senador na magpakita ng sapat na dahilan upang maipaliwanag ang kanyang kahilingan na mailipat ang kustodiya, lalo na ang kanyang mga alegasyon na ang kanyang buhay ay nasa panganib o siya ay target sa loob ng kulungan.