-- ADVERTISEMENT --

Iginuhit ni Gerville Luistro ang “empty chair” bilang simbolo ng hindi pagdalo ni Sara Duterte sa mga pagdinig kaugnay ng impeachment proceedings, habang patuloy itong umuusad mula sa antas ng komite patungo sa plenaryo ng House of Representatives.

Ayon kay Luistro, sa kabila ng mga ebidensya at malalim na diskusyon sa House Committee on Justice, nanatiling wala umanong direktang paliwanag o personal na pagharap mula sa Bise Presidente. Giit niya, matagal nang hinihintay ng komite ang pagharap ni Duterte sa ilalim ng panunumpa, ngunit hindi ito nangyari.

Dagdag pa ng mambabatas, umabot na sa punto ang komite na ituring na sapat ang mga nakalap na ebidensya kaya’t hindi na kailangan pang pahabain ang mga pagdinig.

Matatandaang noong Abril 29, idineklara ng komite ang pagkakaroon ng probable cause, na nagsilbing batayan para ihanda ang articles of impeachment para sa plenaryong talakayan ng Kamara.