-- ADVERTISEMENT --

Isinusulong ng ilang senador ang pagdedeklara ng State of Calamity o State of Imminent Disaster sa mga lugar na apektado at posibleng tamaan ng El Niño sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 765.

Sa ilalim ng resolusyon, hinimok nila si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang pagpapakilos ng pondo mula sa 2026 General Appropriations Act upang matiyak ang kahandaan ng pamahalaan sa posibleng epekto ng tagtuyot.

Kabilang sa mga iminungkahing hakbang ang pagpapatupad ng price control, pagpigil sa hoarding at profiteering, rehabilitasyon ng mga pampublikong pasilidad at pagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga apektadong sektor.

Binigyang-diin din ng mga senador ang pangangailangang protektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka at iba pang komunidad na posibleng makaranas ng kakulangan sa tubig at matinding epekto ng El Niño.