-- ADVERTISEMENT --

Arestado ang isang lalaki na tinaguriang rank 8 Regional Most Wanted Person matapos magsagawa ng manhunt charlie operation ang mga awtoridad sa Purok White Lawaan, Brgy. Manobo, Magpet, Cotabato kagabi lamang, Hulyo 20, 2024.

Batay sa report ng Magpet Municipal Police Station, bandang 7:40 ng gabi nang madakip ang suspek na kinilalang si alyas “Ago” at residente ng nasabing lugar.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape at 2 counts ng Act of Lasciviousness.

Samantala, ang arestado ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Magpet MPS para sa kaukulang disposisyon.

Ang matagumpay na pagkakaaresto ng mga wanted person ay patunay lamang sa epektibong pagpapatupad ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa sinumpaang tungkulin na maghatid ng serbisyo publiko para sa mas maayos, maunlad at mapayapang bagong Pilipinas.