-- ADVERTISEMENT --

Umaasa ang Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) na maipalalabas na ang Interpol Red Notice laban sa puganteng si Zaldy Co, kahit lumilitaw na wala na ito sa Czech Republic.

Ayon kay Romeo Prestoza, executive director ng PCTC, naisumite na sa Interpol Secretariat ang kumpletong dokumento para sa kaso, at umaasa silang maaprubahan ang red notice sa mga susunod na panahon.

Binigyang-diin ni Prestoza na mahalaga ang naturang notice dahil sa bigat ng mga kasong kinakaharap ni Co, na may kaugnayan sa seryosong kriminal na alegasyon.

Samantala, kinumpirma ni Fredderick Vida, acting justice secretary, na wala na sa kustodiya ng Czech authorities ang dating kongresista. Sa pakikipagpulong sa mga opisyal sa Prague, sinabi umano ng mga ito na hindi na nila alam ang kinaroroonan ni Co at hindi na nagbigay pa ng dagdag na detalye.