Binigyang-pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang noong Mayo 20 ang Pinoy Guinness World Record holder na si Claro “Lito” de Veterbo Jr.
Sa isinagawang courtesy call, kinilala ng Pangulo ang kanyang makasaysayang long-distance walk mula Pagudpud, Ilocos Norte hanggang Glan, Sarangani Province na isinagawa mula Pebrero 9 hanggang Hulyo 6, 2025.
Ayon kay De Veterbo, hindi niya pangunahing layunin ang makakuha ng rekord kundi isulong ang kamalayan tungkol sa pangangalaga sa kalikasan at tamang pakikisalamuha sa kapaligiran.
Gayunman, itinuring niya bilang “bonus” lamang ang pagkakasama sa Guinness World Records matapos ang matagumpay niyang paglalakbay.
Aniya, hanggang sa matapos ang kanyang paglalakad, hindi pa rin siya makapaniwala na nakamit niya ang naturang world title.
Bukod sa pagiging mountaineer, siya rin ay isang certified instructor ng Leave No Trace, isang organisasyong nagsusulong ng responsableng paglalakbay at pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng edukasyon.













