-- ADVERTISEMENT --

Naghain ang Oman ng panukala upang mapabuti ang daloy ng paglalayag sa Strait of Hormuz at matiyak ang mas ligtas na pagdaan ng mga barko sa mahalagang rutang pandagat.

Ang hakbang ay kasunod ng pagpupulong nina Iran Foreign Minister Abbas Araghchi at Omani Foreign Minister Sayyid Badr Albusaidi kung saan tinalakay ang mga posibleng mekanismo para mapanatili ang seguridad ng maritime traffic sa lugar.

Ayon sa dalawang panig, layunin ng mga hakbang na matiyak ang malayang paglalayag o freedom of navigation sa Strait of Hormuz habang iniiwasan ang anumang tensyon na maaaring makaapekto sa biyahe ng mga sasakyang pandagat.

Nasa Oman si Araghchi upang makipag-usap sa mga opisyal doon at bumuo ng mga kasunduan na magtitiyak sa ligtas at maayos na pagdaan ng mga barko sa naturang estratehikong daanan.