-- ADVERTISEMENT --
Nagbabala ang Iran na mas matindi ang magiging pagganti nito sakaling magsagawa ang Estados Unidos ng panibagong pag-atake, kasunod ng natanggap umano nitong impormasyon tungkol sa posibleng bagong serye ng US airstrikes.
Samantala, sinabi ni US President Donald Trump na maaaring humarap ang Iran sa matinding hakbang ng Washington, kabilang ang pag-atake, pagbagsak ng ekonomiya, o posibilidad ng isang kasunduan.
Dahil sa patuloy na tensyon sa rehiyon, nanawagan ang Qatar na iwasan ang karagdagang paglala ng sitwasyon sa Gulf.
Samantala, apat na katao ang naiulat na nasawi sa bakbakan sa al-Jawf, Yemen.













