Patuloy na binabantayan ng Philippine National Police (Philippine National Police) ang mga bagong pahayag at umuusbong na impormasyon kaugnay ng pagkamatay ng Ateneo student-athletes na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili.
Ayon sa PNP Public Information Office, masusing sinusuri ng mga imbestigador ang lahat ng bagong testimonya at alegasyon bilang bahagi ng nagpapatuloy na imbestigasyon, at mahalaga raw na sundin ang tamang proseso upang maiwasan ang maling konklusyon.
Nilinaw din ng PNP na wala pang pinal na resulta o findings habang patuloy pa ang pagkalap at beripikasyon ng ebidensya at salaysay mula sa iba’t ibang panig.
Kasabay nito, lumutang ang bagong usapin matapos ang pahayag ng isang babaeng nagpakilalang “Efi,” na sinasabing estranged wife ng Ateneo Blue Eagles head coach na si Tab Baldwin. Sa video, iginiit niya at ng kanyang anak na nagbigay umano sila ng mga babala hinggil sa kaligtasan ng mga student-athletes at nanawagan pa raw ng pagpapatanggal sa coach, ngunit hindi pa ito nabeberipika ng mga awtoridad.
Hiwalay na imbestigasyon ang isinasagawa ng Criminal Investigation and Detection Group, habang may joint review body rin na binuo ng iba’t ibang ahensya kabilang ang Philippine Sports Commission, UAAP, Commission on Higher Education, at National Youth Commission upang tingnan ang kabuuang pangyayari at mga posibleng kakulangan sa safety protocols.













