-- ADVERTISEMENT --

Pasok na sa grand finale ng international drag competition na “Drag Race Down Under vs. the World” ang Filipina drag queen na si M1ss Jade So matapos makuha ang kanyang ikatlong badge.

Nakapuwesto si Jade sa Top 2 ng isang episode, na nagbigay sa kanya ng sapat na badges para umabante sa semifinal round.

Tatlo na ang badges ni Jade, kapantay nina Michael Marouli at Art Simone bago ang semifinals. Ilang beses na rin siyang nakatanggap ng papuri mula sa mga hurado dahil sa kanyang performances at standout runway looks.

Nakilala si M1ss Jade So sa kanyang paglahok sa “Drag Race Philippines” at ngayo’y kumakatawan sa Pilipinas sa international competition.

Bukod sa drag, aktibo rin si Jade sa musika, kabilang ang kanyang mga kantang “GODDESSA” at “BAPHOMETA.”

Sa grand finale, paglalabanan ng finalists ang korona, setro at titulong “Queen of the Mothertucking World,” kasama ang AUD50,000 na premyo.