-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang search and rescue operations ng mga awtoridad sa Nairobi, Kenya, para sa pitong kataong pinangangambahang na-trap matapos gumuho ang isang gusaling kasalukuyang ginagawa.

Ayon kay Interior Ministry official Kipchumba Murkomen, 66 sa 67 construction workers na nasa lugar nang mangyari ang insidente ang nakatakas. Gayunman, patuloy na inaalam ang kinaroroonan ng nawawalang manggagawa at iba pang posibleng naiwang tao sa loob ng gusali.

Umaabot sa 18 palapag ang nasabing istruktura na bigla na lamang gumuho habang nagpapatuloy ang construction work. Dahil dito, nakatuon ang mga awtoridad sa paghahanap sa mga posibleng nakaligtas at sa pagtukoy kung may iba pang naapektuhan ng insidente.

Patuloy rin ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng pagguho at kung nasunod ang mga pamantayan sa kaligtasan at konstruksyon. Wala pang kumpirmadong detalye tungkol sa kondisyon ng pitong kataong pinangangambahang na-trap.