-- ADVERTISEMENT --

Personal na pinangunahan ni Executive Secretary at ASEAN National Organizing Council (NOC) Chair Ralph Recto ang inspeksyon sa mga pasilidad at paghahanda ng pamahalaan para sa ASEAN Leaders’ Summit na gaganapin sa Pilipinas sa Nobyembre 15 hanggang 17.

Isinagawa ang walkthrough nitong Biyernes, Nobyembre 6, bilang bahagi ng pagtitiyak na maayos at naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghahanda bago dumating ang mahigit 20 lider mula sa iba’t ibang bansa.

Nakiisa sa inspeksyon sina DTI Secretary Christina Roque, DOT Secretary Dita Angara-Mathay, DILG Secretary Jonvic Remulla, DICT Secretary Robert de Claro, DBM Secretary Kim De Leon at PCO Secretary Lino Cayetano.

Ipinakita ng pagsasama-sama ng mga kalihim ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa matagumpay na pagdaraos ng summit at iba pang kaugnay na aktibidad.

Nagpasalamat naman si Recto sa organizing team sa kanilang patuloy na pagtatrabaho at hinikayat ang mga ito na panatilihin ang dedikasyon para sa natitirang humigit-kumulang 100 pagpupulong na pangungunahan ng Pilipinas.