-- ADVERTISEMENT --

Inakusahan sa isang “written submission” na isinumite sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang administrasyong Marcos na diumano’y ginagamit ang International Criminal Court (ICC) bilang instrumento ng political warfare laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa oposisyon bago ang 2028 eleksyon.

Ayon sa dokumento, kabilang sa mga alegasyon ang diumano’y ₱20-milyong impeachment bribery, mga ghost flood control project, pagkawala ng bilyon-bilyong pisong pondo, diumano’y pagbebenta ng reserbang ginto ng bansa, at ang diumano’y paggamit sa ICC upang durugin ang mga karibal sa pulitika.

Hiningi rin sa UNHRC na imbestigahan ang diumano’y arbitraryong pag-detine kay PRRD at ang posibleng paglabag sa Rome Statute at iba pang mga batas internasyonal.

Kinuwestiyon din sa nasabing dokumento ang mga numero ng namatay sa drug war na ginagamit laban kay PRRD, kung saan sinabing ang mga bilang na ito ay kulang sa forensic at judicial verification.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag ang Malacañang hinggil sa nasabing submission.