-- ADVERTISEMENT --

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 36-anyos na Chinese national na umano’y nagpanggap na Filipino upang makakuha ng Philippine passport gamit ang pekeng birth certificate.

Kinilala ang suspek na si Yao Shucheng, alyas Lee King Agbulos, na inaresto noong Nobyembre 8, 2026, pagdating nito mula Hanoi, Vietnam sa NAIA Terminal 1.

Ayon sa BI, nadiskubre ang umano’y paggamit nito ng mapanlinlang na dokumento para makakuha ng Philippine passport.

Iniuugnay rin si Yao sa pamamaril noong 2022 sa Parañaque City na ikinasawi ng dalawang Chinese national, bagama’t patuloy pa ang imbestigasyon kaugnay nito.

Nasa kustodiya na ng BI ang suspek habang isinasagawa ang proseso para sa deportasyon at permanenteng pag-blacklist sa kanya.