-- ADVERTISEMENT --

Walang legal na dahilan para pigilan sa pag-alis ng bansa sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senator Pia Cayetano, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Batay sa records ng ahensya, bumiyahe patungong Singapore ang magkapatid nitong Miyerkules at kasalukuyan nang nasa labas ng bansa. Wala umanong hold departure order o anumang derogatory record laban sa kanila nang sila ay umalis.

Dahil dito, sinabi ng BI na wala itong legal na batayan upang harangin ang kanilang pagbiyahe.

Ang magkapatid na Cayetano ay kapwa nahaharap sa mga usapin at imbestigasyon kaugnay ng mga alegasyon ng iregularidad sa ilang nakaraang proyekto. Gayunman, hindi umano sapat ang mga naturang isyu upang awtomatikong pigilan ang kanilang pag-alis kung walang umiiral na legal na kautusan.