Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng Pilipinas sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senator Pia Cayetano.
Ayon sa BI, wala umanong hold departure order o anumang derogatory record ang magkapatid nang sila ay umalis ng bansa, kaya wala ring legal na hadlang sa kanilang pagbiyahe.
Hindi naman isiniwalat ng ahensya ang kanilang eksaktong destinasyon o itinerary, alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.
Ang kumpirmasyon ay kasunod ng mga reklamong obstruction of justice na ipinauubaya sa pagresponde kina Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Robin Padilla kaugnay ng alegasyong pagtulong sa pagtatago kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na tinukoy ng mga awtoridad bilang fugitive-at-large.
Samantala, sinabi nina Senate President Sherwin Gatchalian at Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III na hindi na kinakailangang humingi ng permiso para sa mga personal na biyahe ng mga senador.













