-- ADVERTISEMENT --
Nagbabala ang Israel na muli nitong maaaring atakihin ang Iran sakaling subukan nitong muling itayo ang nuclear at ballistic missile capabilities nito.
Ayon kay Israeli Energy Minister Eli Cohen, hindi magiging hadlang ang anumang kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran kung muling bubuhayin ng Tehran ang mga programang itinuturing ng Israel na banta sa seguridad nito.
Sinabi ni Cohen na hindi nila layuning magsagawa ng panibagong pag-atake kung mananatiling tahimik ang Iran at hindi nito muling palalakasin ang nuclear at missile programs.
Gayunman, sinabi niyang mahigpit na imo-monitor ng Israel ang mga hakbang ng Tehran, dahil posibleng umabot sa dalawa hanggang apat na taon ang pagtatangkang muling itayo ang mga kakayahang ito.













