Kinansela ni Vice President Sara Duterte ang nakatakda sana niyang personal na biyahe sa Japan, ilang araw matapos maglabas ang Malacañang ng travel authority para sa naturang paglalakbay.
Ayon sa Bise Presidente, naging dahilan ng pagkansela ang pangamba niya sa kanyang seguridad matapos isapubliko ng Malacañang ang impormasyon tungkol sa kanyang biyahe.
Nauna nang kinumpirma ng Office of the President na naglabas ito noong Agosto 17 ng travel authority para kay Duterte para sa personal na pagpunta sa Japan mula Agosto 19 hanggang 24. Nilinaw din na walang gagastusing pondo ng gobyerno para sa biyahe.
Gayunman, noong Agosto 18, nakipag-ugnayan ang Office of the Vice President sa Malacañang upang ipawalang-bisa ang travel authority matapos magbago ang plano ng Bise Presidente.
Hindi na nagbigay si Duterte ng karagdagang detalye tungkol sa kanyang desisyong kanselahin ang biyahe.
Samantala, nananatiling walang malinaw na impormasyon kung kailan o kung itutuloy pa ang naturang personal na paglalakbay sa Japan.













