-- ADVERTISEMENT --

Tinawag ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na “ghost electricity” ang kasong inihain laban sa Solar Energy Network ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, kasunod ng umano’y kabiguan nitong maihatid ang ipinangakong produksyon ng kuryente.

Sa isang pulong balitaan, inihalintulad ni Remulla ang isyu sa mga iniimbestigahang “ghost flood control projects,” at sinabing hindi umano natupad ng solar firm ang target nitong power generation sa kabila ng prangkisang ipinagkaloob dito.

Ayon sa Ombudsman, kabilang ang proyekto sa Philippine Energy Plan at inaasahang makatutulong sana sa suplay ng kuryente sa bansa. Aniya, ang umano’y hindi pagtupad sa target na produksyon ay maaaring nakaapekto sa mataas na presyo ng kuryente.

Inanunsyo rin ni Remulla na isinailalim na sa preliminary investigation ang mga reklamong plunder, graft and corruption, at conflict of interest laban kay Rep. Leviste. Kabilang din sa mga isinama sa reklamo sina Sen. Loren Legarda at dating Energy Secretary Alfonso Cusi.