-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ni Keir Starmer ang kanyang pagbibitiw bilang Prime Minister ng United Kingdom at lider ng Labour Party sa harap ng 10 Downing Street. Ayon sa kanya, tinanggap niya “ng buong paggalang” ang desisyon ng kanyang parliamentary party na hindi na siya ang pinakamahusay na mamuno sa susunod na halalan.

Si Starmer, na nagdala sa Labour Party ng landslide victory noong 2024, ay naharap sa pagbaba ng popularidad ng partido at lumalakas na presyur mula sa mga kasamahan sa loob nito. Itinakda niya ang Hulyo 9 bilang simula ng nominasyon para sa bagong lider, na inaasahang makukumpleto bago bumalik ang Parliament sa Setyembre.

Sa kanyang pahayag, emosyonal niyang pinasalamatan ang kanyang pamilya at tinawag ang pamumuno sa bansa bilang “pinakamalaking karangalan” ng kanyang buhay.

Kasabay nito, lumutang ang pangalan ni Andy Burnham bilang isa sa mga posibleng kahalili sa pamumuno ng Labour Party.