-- ADVERTISEMENT --

Nanatiling naka-alerto ang Philippine National Police (PNP) sa ikalawang araw ng nationwide transport strike, ayon kay acting PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr..

Kung saan Sinabi niya nitong araw ng Biyernes na handa ang mga awtoridad na tugunan ang anumang sitwasyon na maaaring mangyari.

Iniulat ni Nartatez na ang transport strike na nagsimula noong Huwebes, Marso 19, ay karaniwang nagging mapayapa at maayos.

magugunitang ang malawakang welga ay inorganisa ng transport group na Pagkakaisa ng mga Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) upang iparating ang kanilang hinaing tungkol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo kasabay ng tensyon sa Middle East.

Binigyang-diin ng PNP ang kanilang pagsunod sa karapatan ng mamamayan sa mapayapang pagtitipon habang pinananatili ang kaayusan ng publiko.

Ayon sa PNP chief, nakikipag-coordinate ang mga awtoridad sa iba pang ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan upang mabawasan ang abala at masiguro ang agarang aksyon sa mga anumang pangyayari.