Tiniyak ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sapat pa rin ang suplay ng pagkain, petrolyo, at pataba sa bansa kahit may tensiyon sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa Pangulo, nananatiling maayos at hindi nagkakalayo ang presyo ng mga pangunahing bilihin at produktong petrolyo kumpara sa mga nagdaang linggo.
Sinabi rin niya na patuloy ang pakikipagtulungan ng mga nagtitinda upang mapanatiling abot-kaya ang presyo, kaya’t hindi kailangang mag-hoard o mag-panic ang publiko.
Binigyang-diin ni Marcos na isa sa pangunahing hakbang ng pamahalaan ay ang pagpapanatili ng matatag na presyo at sapat na suplay ng langis, lalo na upang matulungan ang mga drayber at iba pang sektor.
Dagdag pa niya, may kakayahan ang gobyerno na baguhin ang excise tax sa fuel kung kinakailangan upang mabawasan ang gastos ng mamamayan, ngunit ito ay nakadepende pa rin sa galaw ng pandaigdigang merkado.
Layunin ng pamahalaan na mapanatiling matatag ang sitwasyon upang hindi maapektuhan ang kabuhayan ng mga ordinaryong Pilipino.













