-- ADVERTISEMENT --

Nabawi ng pwersa ng gobyerno ng Yemen ang estratehikong port city ng Mocha at ilang mahahalagang posisyon malapit sa Bab al-Mandeb Strait matapos ang malawakang opensiba laban sa Iran-aligned Houthi rebels.

Kasabay nito, iniulat ng militar ng Yemen ang pagsulong ng kanilang operasyon patungo sa Sanaa, habang nagkaroon ng matinding sagupaan na nagresulta sa pagkasawi at pagkakadakip ng ilang Houthi fighters.

Sinuportahan ang operasyon ng air support mula sa Saudi-led coalition, na ayon sa ulat ay nagpakilos ng humigit-kumulang 100 fighter jets para targetin ang mga kagamitan at supply lines ng mga rebelde.

Muling sumiklab ang labanan noong Setyembre matapos umanong maagaw ng mga Houthi ang Mocha at iba pang mahalagang ruta ng kargamento.

Dahil sa tumitinding tensyon, nagpulong naman sa Saudi Arabia ang mga opisyal mula sa Turkey, Pakistan at Saudi Arabia sa ilalim ng kanilang defense pact upang talakayin ang sitwasyon sa Yemen at mga hakbang sa seguridad.