Ipinahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na unti-unti nang ipinapabalik sa Pilipinas ang mga Filipino tourists na na-stranded sa Jordan.
Ayon sa DFA, 82 sa 113 na Pinoy na stranded sa Queen Alia International Airport ay nakalipad na at patungo na sa Pilipinas. Ang kanilang mga flights ay dumaan sa iba’t ibang mga bansa bago sila makarating ng Manila.
Samantalang patuloy na tinutulungan ng Philippine Embassy sa Amman ang 31 pang Filipino tourists na naghihintay ng kanilang mga flight pabalik sa Pilipinas.
Hindi rin nakaligtas ang mga 81 overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng kanseladong flights, na nakauwi na rin sa bansa.
Ang pagka-stranded ng mga turista ay dulot ng lumalalang tensyon sa Middle East, kasunod ng mga airstrikes ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran.
Ayon sa gobyerno, patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon at tumutulong sa mga Pinoy na apektado ng mga insidente.













