-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nagtulungan sa paglilinis ang CENRO Koronadal at Task Force Kaayusan at Kalinisan at mga vendors ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga nagkalat na basura sa bahagi ng DPWH South Cotabato 2nd District view deck na kamakailan ay naging sentro ng reklamo at usap-usapan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay CITY ENRO Augustus Bretana, inihayag nito na isinagawa pasado alas-6 kaninang umaga ang Basura attack at pinagtulungan na malinis ang lugar kung saan umabot sa higit 40 sako nga basura ang nakuha.

Kasabay ng ginawang paglilinis ay ibinahagi rin nila ang mga litrato sa social media ng kanilang paglilinis sa nasabing lugar.

Kung matatandaan, una ng nakapanayam ng Bombo Radyo Koronadal ang Kapitan ng Brgy. Paraiso, lungsod ng Koronadal na si Danilo Leguro, upang ipaliwanag na hindi sakop ng kanilang barangay ang nasabing lugar kaya’t hindi na nila hurisdiksiyon ang kalinisan nito.

Bagama’t ipinahayag naman ni Leguro na handa ang kanilang barangay kung sakaling ipatawag sila ng lokal na pamunuan hinggil sa isyu.

Samantala, nananawagan naman si Leguro sa mga bumibisita at tumatambay sa view deck na kung maaari dalhil na lamang nila pauwi ang kanilang mga basura upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa nasabing lugar.

Kaugnay nito, kinall-out ni City ENRO Augustus Bretaña ang mga nagtatapon ng basura at ang mga nagtitinda sa lugar, at tinawag na “kulang sa edukasyon” ang mga responsable sa pagkakalat ng basura.